Buwan ng Wika sa Kolehiyo, muling pinagdiriwang

✒️: Yahya Ibrahim G. Yusop
✒️: Yahya Ibrahim G. Yusop

Sa pangatlong pagkakataon, ang Assemblage ng Linguist Club ng College of Education at History Club ng College of Liberal Arts and Criminal Justice Education ng Notre Dame of Jolo College ay nagsanib-pwersa sa pagdiriwang ng taunang Buwan ng Wikang Pambansa na may temang “Filipino: Wikang Mapagpalaya” sa buong buwan ng Agosto sa pamamagitan ng mga patimpalak noong ika-28 at 29 ng Agosto at ang kulminasyon nito noong kahapon lamang, ika-31 ng Agosto 2024.

Nasa likod ng naturang selebrasyon ang mga opisyales ng dalawang samahan kasama sina Bb. Joan Genevieve J. Baga, ang tagapagmagitan ng History Club, at G. Benson G. Serencio, LPT, ang tagapagmagitan ng Assemblage of Linguist Club.

Bilang bahagi sa pagdiriwang nito, naglalaban-laban mula ika-28 ng Agosto sa NDJC Smith Hall at ika-29 ng Agosto sa NDJC Main Building ang mga piling estudyante ng limang Kolehiyo sa mga patimpalak na mula sa Assemblage of Linguist Club na naglalayong makilala at maipakita ang galing at husay ng mga estudyante mula sa limang Kolehiyo sa pagsusulat, pagguguhit, pagpapahayag, at palakasan ng katalinuhan. Kabilang sa mga ito ay ang paglikha ng tula, pagsulat ng sanaysay, paggawa ng poster, dagliang talumpati, at tagisan ng talino.

Sa kabilang dako, nagtipon-tipon ang mga opisyales, mga estudyante mula sa Bachelor of Arts in History at Bachelor of Secondary Education major in Filipino, mga kalahok, at ang mga guro mula sa College of Education at College of Liberal Arts and Criminal Justice Education na nakasuot ng kani-kanilang pambansa at lokal na kasuotan noong hapon ng ika-31 ng Agosto para sa kulminasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa sa NDJC Smith Hall.

Tampok sa kulminasyon ang pagtatanghal ng mga piling estudyante sa talumpati, sabayang pag-awit, pagtutula, at pagkilala sa Lakan at Lakambini ng Wika na mula sa History Club na may layuning mas palawakin ang pagdiriwang ng naturang selebrasyon sa Kolehiyo at mas papahalagahin ang pagkakakilanlan bilang mga Filipino sa buwang ito. Nagbigay sigla din ang mga piling estudyante ng College of Liberal Arts and Criminal Justice Education sa pagkanta at pagbibigay kaalaman sa pamamagitan ng laro sa mga madla.

Idinaraos din sa kulminasyon ang pagkilala sa mga nanalo sa mga patimpalak tampok sa Buwan ng Wika bago ang pagproklama ng Lakan at Lakambini ng Wika at ang iba pang parangal sa mga napiling kandidato.

Narito ang buong listahan ng mga nanalo sa mga patimpalak para sa buong Buwan ng Wikang Pambansa:

PAGLIKHA NG TULA
Kampeon: College of Liberal Arts and Criminal Justice Education
Unang Pwesto: College of Nursing and Midwifery
Ikalawang Pwesto: College of Pharmacy and Medical Technology
Ikatlong Pwesto: College of Accountancy, Management, and Computer Education

PAGSULAT NG SANAYSAY
Kampeon: College of Nursing and Midwifery
Unang Pwesto: College of Pharmacy and Medical Technology
Ikalawang Pwesto: College of Education
Ikatlong Pwesto: College of Accountancy, Management, and Computer Education
Ika-apat na Pwesto: College of Liberal Arts and Criminal Justice Education

PAGGAWA NG POSTER
Kampeon: College of Liberal Arts and Criminal Justice Education
Unang Pwesto: College of Nursing and Midwifery
Ikalawang Pwesto: College of Pharmacy and Medical Technology
Ikatlong Pwesto: College of Education
Ika-apat na Pwesto: College of Accountancy, Management, and Computer Education

DAGLIANG TALUMPATI
Kampeon: College of Pharmacy and Medical Technology
Unang Pwesto: College of Nursing and Midwifery
Ikalawang Pwesto: College of Liberal Arts and Criminal Justice Education

TAGISAN NG TALINO
Kampeon: College of Accountancy, Management, and Computer Education
Unang Pwesto: College of Nursing and Midwifery
Ikalawang Pwesto: College of Liberal Arts and Criminal Justice Education
Ikatlong Pwesto: College of Education
Ika-apat na Pwesto: College of Pharmacy and Medical Technology

LAKAN AT LAKAMBINI NG WIKA
Lakan ng Wika: Kaipal Padjid
Lakambini ng Wika: Ferdilisa Najar
Lakan ng Katanyagan: Mohammad Alkhan Sakib
Lakambini ng Katanyagan: Banelyn Ibnin
Lakan ng Pamproduksyong Bilang: Ahmedeenijad Hambali
Lakambini ng Pamproduksyong Bilang: Sarmina Ahamadul
Lakan ng Kasuotang Filipino: Alfad-Nier Dau
Lakambini ng Kasuotang Filipino: Sherhaifa Abdurajik
Lakan ng Katalinuhan: Alfadhz Matarul
Lakambini ng Katalinuhan: Nurhima Muhammad